Psalms 123

Dalangin para Kahabagan

1 Panginoon, dumadalangin ako sa inyo,
sa inyo na nakaupo sa inyong trono sa langit.
2Kung paanong ang alipin ay naghihintay sa ibibigay ng kanyang amo,
naghihintay din kami Panginoon naming Dios, na tulungan nʼyo at kahabagan.
3Maawa kayo sa amin Panginoon, dahil labis na ang panghahamak sa amin.
4Sobra na ang pangungutya sa amin ng mga taong hambog at walang magawa.
Copyright information for TglASD